Just got back from a 2day trip to the north pole, este, northern part of the Philippines, Ilocos Norte. Ang masasabi ko lang, PANALO. Sulit ang 3 shades darker skin tone ko and the possible infection/ UTI/ diarrhea dahil sa tubig.
At kamustahin mo, nakita namin ang Aegis, not once, not twice, not even thrice but four times! Parang ini-swak talaga ang schedule namin dahil arrival and departure, kasabay namin sila. Sila rin ang aming mga 'lunch buddies' dahil nagkikita kami sa pinag lalunch-an namin (take note, magkaibang resto ito). Baka akala nila, stalker kami ni Sol. haha. Muntik na nga naming sabihing
"Excuse me but do we know you? Why are you following us? If you want our pictures, just say so" kaso lang baka ipa deport kami ng Laoag ng di oras.
Bago ako makalimot, nais kong pasalamatan ang aming sponsors, Jing (Kathy's beloved) and si Bons (friend ni Sol). Ang tyaga ni Jinggoy na ipag drive kami papuntang Pagudpod (2 hour non stop drive from Laoag) at hayaan kaming magtampisaw for 15 minutes (at tiisin ang aming tilian blues pagkatapos naming magpatintero sa alon ng dagat) at mag drive ulit ng 2 hours pabalik. Saludo kami sa'yo. You are now worthy of my precious blessing (as if hinihingi)
Kay Bons at sa pinsan nya na nagsilbing tour guide namin on day 2, na pinagtyagaan kaming ilibot/ ipagdrive sa katirikan ng araw, maraming salamat sa inyong hospitality. At shempre, malilimutan ba namin ang Pamulinawen resto, La Preciosa, Java Hotel's Eagles Nest (Java the Hut, ika nga namin ni Sol) at empanadahan sa Batac na bumawas ng 3 taon sa aming life span dahil sa uber sarap at unhealthy food na kinain namin. Matapos ang isang toneladang bagnet at longanisa (na pica pica sa kanila), crispy dinuguan and fried isaw, parang gusto na munang maging vegetarian.
Shempre, ang pinaka importante, Nais kong magbigay pugay kay Mirasol na aking Laoag buddy na kahit na nakalibot na dito ay sinamahan pa din ang first-time turistang tulad ko.
Eto lang ang ayaw ko kay Sol:
1. Si sol ay isang maninira ng mga pictures- minsan lang ako pumunta ng Pagudpod at ang mga kuha nya sa akin ay either sobrang lapit (na walang background) or sobrang layo (na hindi mo na makikilala kung sino ang kinukuhanan). Mahilig din shang mag picture na animo'y mag aapply ako sa agency.. Gitnang gitna, full body shot.
2. Si Sol ay takaw-kidnap- pumapasok sha sa van ng may van, nang hindi tinitignan kung yun ba ang tamang sasakyan. Magnet din sha ng mga taong may history of violence.
3. Si Sol ay isang magnifying glass- Sa sobrang nipis ng babaeng ito, nagmumukha lalo akong obese.
Mula sa kaibuturan ng aking puso, iniaalay ko ang award na ito. I thank you.