Ayuuuun... when it rains, it pours.
Sa dinami dami ng araw na pwedeng i spread ang kamalasan, kelangan talaga na i-pool siya today ay bahain ako ng sandamakmak ng "what are the chances?".
-na magigising ako ng maaga pero malelate ng pasok sa office?
- na masisira ang kotse namin at makikisabay ako sa pinsan ko na ubod ng bilis?
- na makakasabay ko ulit si "driver from Hell" na nagda-drag racing sa car-filled EDSA?
- na si Driver From Hell ay coding at kakailanganin naming umikot sa limpak limpak na side streets and villages para hindi kami mahuli... ngunit nagpapalate naman sa amin sa office?
- na ang unang caller ko for the day ay magiging isang kontrobersyal na "case" for the day?
- ma ma-eemergency ang kapatid ko na dependent ko sa office.. kung kelan namang GO na GO na akong mag resign?
No comments:
Post a Comment