Sobrang antok ko na talaga nung ginawa ko ang first part ng post ko kaya hindi ko na naproof read. Sorry. :)
Ayun... going back to my story about the weekend, matapos ang aming videoke session kung saan maraming dugo rin ang dumanak, naglaro kami ng Pusoy dos. Dito na nagsimula ang pagtatransform ng aming mga dugo into... alcohol.
AFter 2 hours, hindi pa rin kami lasing, we decided to buy more drink. We asked my brother to buy us Gin to fuel the entire night. He ended up buying us two.
We got bored playing pusoy dos kaya Flamey and I (nickname ni Flamethrower) taught Mamba and Anime some new tricks...The art of playing POKER.
Finally, dumating na ang aming Gilbeys. Nag attempt pa kaming i- tame ang drink namin pero hindi kineri... by the time, we were done with one bottle, feeling call center mode na kami. Inglis kung inglis kami magsalita lalo na si ANime na tinanggal na ang any trace ng pagkalalaki nya. Wala, baklang bakla talaga sha.
Syempre, we are so proud kasi nalasing namin si Anime. OO. He was well-acquainted na with the Plant box kung san sha sumuka nung nasa banyo ako freshening up.
Nung gabi ko rin nalaman na may reaction din pala ako sa alcohol. tao pa rin pala ako. I got red blotches all over my body. NO reason to be concerned naman dahil nawala rin sha kinabukasan.
Eto ang maganda jan. Kinabukasan, tuloy tuloy na kaming nagpoker kung san um-enter sa eksena ang aking mahal na ama. Tinuruan nya kami ng real poker. OO. yung totoong pang casino. Ika nga nya, this is the real poker. Maraming klase ang poker, pero ang ituturo ko sa inyo ay itawag na lang natin sa pangalang.. Rabatitat con bawowow.
Ayun. good job papa. Wag ka nang mabigla kung isang araw, nakasanla na ang bahay naten. At di lang diyan nagtatapos ang pagiging supportive ng tatay ko. Next on his lesson plan, MAhjong.
Chorva # 3:
Kung mapapansin nyo, hindi na talaga napapasok ang pangalan ni Tubby mainly because lagi shang MIA (Missing in Action). We must admit, malaki pa rin ang tampo namin sa kanya dahil sa makailang ulit na nyang pang iindiyan sa amin only to find out from her blog na she goes out rin pala with her Arneo friends. Masakit yun.
Pero ngayon, talagang wala nang nag aattempt na yayain sha. Nakakatakot. Mas gugustuhin ko pang may nararamdaman akong inis kesa sa ganitong total indifference na lang. Baka naman nagmamature na kami? or baka sobrang laki na ng sama ng loob namin na nadedesensitize na kami sa kahit na anong ginagawa nya?
Syet.
No comments:
Post a Comment