Friday, January 13, 2006

Ang Pangarap ko ay Ikaw... Yun eh.

Napanaginipan na naman kita.

Nakakatawa. Kahit sa panaginip, ang hirap mo pa ring abutin.

Naalala mo pa ba yung ibang panaginip ko sa yo?

Yung una, ikaw daw si Dr. Love. Ang weird na ikaw, sa lahat ng mga kasamahan ko, ang una kong napanaginipan. Wala pang 2 linggo nang magkakilala tayo nito. Wala pang 5 salita ang namamagitan sa ating dalawa. Pero... ikaw ang unang dumalaw sa aking tulog.

Pangalawa, MU na daw tayo. Walang sabi sabi, ngumiti ka, ngumiti ako, hinawakan mo ang kamay ko. Tinawag kitang beybi mahal. yun na eh.

Pangatlong pagkakataon, hindi na siguro MU ito. Kiniss mo na ako eh. Ang weird kasi kahit sa panaginip lang, parang naramdaman ko... it was how i imagined our first kiss would be, kung hindi ka lang takot magmahal.

At syempre, kagabi, ang pagkakalabuan nating dalawa. Inaya daw kita na magdinner sa bahay namin. um-oo ka naman. Parang karugtong ito ng dati kong panaginip. Masaya kasi tayo dito eh. Inutusan ko pa raw ang magulang ko na magluto ng masarap. Tinawagan kita para hanapin kung nasan ka na... malamig na ang inihaw na bangus. Nasa bahay ka pa daw, at walang balak na pumunta sa bahay namin. Naiiyak na ako nun at sinabi ko na hinihintay ka ng magulang ko.

Dumating ka at sinalubong kita. HInawakan ko yung mga kamay mo pero tinabig mo raw at sinabing, hindi ba sabi ko sayo sa weekend na ako magdidinner sa inyo? weekday pa lang ngayon. At pinakitaan mo ako ng mukhang kailanman ay hindi ko pa nakita sa yo sa totoong buhay. Galit ka daw sa akin.

Naiyak na lang ako.

bakit ka ba ganyan? ayoko na sa yo eh. pero kusang lumalabas ka sa panaginip.

tigilan mo na ako please.

1 comment:

VM said...

oist! dalaw ka: maceynasabiako.blogspot.com

dala ka na rin ng abuloy hehehe