May masterplan ako.
I just happened to realize that as much as it pains me to admit, my life is one clean bond paper. It's plain and uninteresting.
Buti na lang, binigyan ako ni Lord ng bibong personality kaya nagsasariling sikap ako na pasayahin ang sarili ko... general patronage version.
Nakakalungkot na kung kelan may dispensable income ka na, naka-line ang phone, at pwedeng pwede nang magka Jowa loo ever, saka naman nabablangko ang aking social life. Not that i ever went out on dates with strangers or with anyone for that matter, but even with my close friends, i find it hard to hang out.
Bakit? maybe because im too hard at work... ang absurd noh (a paraphrasing of Jason Mraz's song). Maybe im not attractive enough to get myself asked by a guy. or maybe im just not interested, which is a total lie, by the way.
Ah ewan. nangyayari talaga na hindi umaabot sa P800 (my plan) ang usage ko sa phone at kelangan ko talaga na gawing landline siya kapag one day na lang before cutoff.
kung pwede nga lang gawing payphone eh, additional income din yun.
bakit naman kasi hindi pa dumarating si Mr. for-the-meantime??? I'm so ready for him. haha. pwede ba yun? ready ka for Mr. meantime but when Mr. Right comes along, i know ill be running toward the opposite direction. Paksyet.
Nagkaron kami ng female bonding ng aking officemates na sina Karyll and me2. I was pressured into having my hair cut. Syempre, i didnt go to Fix Salon whole heartedly. May trauma na ako na manumbalik ang aking úber fluffy hair at maging instrumento na naman ng mga insekto (particularly bubuyog)upang matupad ang kanilang death mission. Totoo, may mga naghaharakiring bubuyog talaga... true story.
OKay naman ang naging resulta. I told stylist A (yun talaga ang tawag, according to the brochure) to retain the length of my hair. Just make the layers more discernible at kung maaaring bawasan nya ng mga 3 pulgada ang lapad ng aking buhok.
Maganda, maganda. I have yet to see the unblow-dried version of my hairdo to give the final verdict.
At dahil feeling maganda ako, tinodo ko na ang primping process ko by applying my favorite piece of makeup these past few days, ang aking bronzer. Sa kakalagay ko, malapit na akong maihalintulad sa mga trophies ng Ecosoc. pero maganda talaga ang effect nya... para akong nag beach.... ng taglamig.
Aaaaargh, asan na ang panata kong susuportahan ang My labs ko sa lahat ng pelikula nya? asan? hanggang ngayon, hindi ko pa rin napapanood ang pinakaaabangang pelikula ng aking pseudo-papa na si Piolo. bakit? Bakit? wala akong time/kasama/pera/energy. Napakadaming rason. Which reminds me, ang huli ko atang pelikula na napanood ay If Only... na noong July pa ata pinalabas. ANG PATHETIC KO.
nakupo, kelangan ko nang matulog. pupunta pa pala akong DV tom.
1 comment:
haha, i am ready for Mr. for-the-meantime too. :)
Post a Comment