Thursday, May 11, 2006

My Birthdayless Cake

Di ko naman birthday, pero may cake ako.

Huwaaaaa... this is it.

This is wrong on so many levels.

1. Di ko siya type... Im sorry
2. Birthday cake nya ito galing sa office... hindi naman nya binili. In short, charity ito.
3. May girlfriend/ live in partner sha (not that I'm even considering it)
4. Di ko siya type... need I say more???

Pero sige, since iniwan nya sa table ko nung umuwi na ako (sinalisihan nya ako!) at wala ako dun to do anything about it, Payn. Ika nga ni Viveka Babajee, TAKE IT, TAKE IT! Ngunit ang katotohanan nyan, kung nandun ako, nungcang (hanep sa word...) tanggapin ko yun... ako pa?!? Notorious kaya ako sa pagsosoli ng mga gifts. Haloooooo.. Pero ayun, wala na akong nagawa.. kaya, sige sige.. gusto ng mga friends, eh di ibigay ang hilig. Tutal, hindi nya pera ang pinambili nya sa fondant cake na iyon. In order not to look ungrateful/ mean, keri. Hindi na ako gumawa ng eksena at dinala ang cake habang nagdidialogue ng "Anong akala mo sa akin?!? mukhang pera? Hindi ko kelangan ng mga materyal na bagay! Hindi ako nabibili! How...Dare...You! My brother is not a Pig!"

Pero shempre, alangan namang tanggapin ko yun ng ganun ganun lang. Baka mamya, makatunog si Kung Kupa na regalo lang pala ang katapat ko at bigyan ako ng isang truck ng office supplies. Anover?!? Kaya unang una pa lang, sinopla ko na si Mario Brother na ahem, THanks but no thanks. nawa'y hindi na nya ulitin ang kanyang "DOM" act, kundi, magpapatiwakal na talaga ako (shempre hindi ko sinabi yun). Hindi ako paasa. period.

In fairness to the cake, maganda sha.

Ika nga ni Li'l Ms. Foxy, lamang tiyan rin yan.




1 comment:

Anonymous said...

Neng, kelangan picture-an talaga ang cake?

Maiba tayo, di ko na kayo na text ni Kristeta kagabi. Sobrang nahihiya ako with what happened. Bukod sa baha ang palabas namin e nakipagaway pako sa Papa ko e wala ding nangyari. Di bale, anything goes sasabog naman sa mukha ko (ule) ito.

Ayoko na, nasusuka nako sa ginagawa ko. Hanggang kelan bako kelangang magpapaka alila?