Saturday, October 07, 2006

Parenting 101

Habang nag aantay ng kanyang I'm home message, ako ay kinukutkot sa inis.

Oo, hindi tama na umuuwi ako ng dis oras na ng gabi dahil delikado. Pero hindi naman tamang i-assume na may ginagawa akong hindi kanais nais.

Thought bubble:
Kaya siguro prevalent ang generation gap, ang "parents dont understand their children" angst etc, ay dahil hindi marunong ang mga magulang sa pagjajustify ng kanilang mga panenermon.

FYI lang mga parents, panahon pa ni kopong- kopong ang linyang "ganyan ba ang uwi ng matinong babae?" kaya lang naman nagiging 'hindi matino' ang isang babae ay kung gumagawa sha ng mga kabulastugan na hindi naman nya kayang panagutan. Gaya nga ng sinabi ko, kung ang justification mo ng panenermon sa akin ay dahil concerned ka sa aming safety, hindi siguro kami mag-aalburuto sa inis. Gaga ba kami? eh totoo naman eh. Buti nga, concerned pa sa amin eh. (although lulusutan ko pa rin naman na may maghahatid naman sa akin). Pero sige, kahit pa. Fine, fine. I am sorry I came home late dahil sa ______ (put your valid reason on the space provided). Uuwi na ako ng maaga next time/ itetext ko kayo yung what time ako uuwi.

Oh di ba? tapos ang diskusyon, wala nang drama. Wala na ang perennial line na "you dont understand me." Tapos na, nagkapatawaran na, nagkaroon na ng ending at solusyon. Ang dali di ba?

Ikumpara mo naman sa ganitong linya:

"tama ba yang uwi mong yan? alas 2 na ah. Baka may ginagawa ka nang monkey business."

Maling-mali ito eh. uulitin ko, hindi transitive ang 'pag-uwi ng late' sa 'katarantaduhan'. For the parents to assume or even think of it that way ay isang nakakainsultong insinuation, lalo na kung inosente naman ang bata.

Hello 'Pa, hindi nga ako nagpapaligaw, tiniis kong hindi magboyfriend nung college kahit na mahal na mahal ko na yung tao dahil iginagalang at sinusunod kita, hindi na ako umiinom, nagyoyosi, nagba-barhopping, hindi ako nakikipagkilala sa mga taong hindi ko kakilala, hindi ako namimigay ng cell number ko sa ibang tao, in short, wala akong ginagawang masama. Para husgahan mo ako or tanungin ng ganito ay hindi tama at lalong hindi nakakatuwa.

If i were a lesser person, saabihin ko sa sarili kong "paksyet, wala naman akong ginagawang masama tapos sasabihan ako nito. Eh kung totohanin ko na lang kaya para may ounce of guilt naman kahit papano?"

Di ba disastrous? Kaya dapat iwasan ang mga ganitong mga theories at mag ingat na wag itong ipahayag lalo na kung hindi naman sigurado sa sinasabi. You are just showing your kids na hindi mo sila tunay na kilala. at kung hindi mo sha kilala, kahit na anong baliktad mo ng mundo, kahit na anong basa mo ng Guide to Parenting books, hinding hindi mo mauunawaan ang iyong anak.

FYI number 2, tama na ang isang sabi, isang sermon. Hindi mo na kailangan pang paulit-ulitin dahil nakakarindi na at nakakasira ng drive na magbago. Pag paulit ulit, nagiging immune na ang tao sa mga hurtful yet wise words na sasabihin mo sa kanya.

Thought Bubble:
(ulit)
Ang ironic lang dahil kababanggit ko lang kay SE na my parents are the greatest, most considerate parents on earth. That my dad is a paragon of greatness, my hero. Actually, ngayon lang naman ito. Bukas makalawa, okay na ulit ako.

HIndi ko maipapangako na hindi ko magagawa ang mga sinasabi kong "pitfalls in parenting" kapag nagkapamilya ako. Kung sakali man, gagawin kong guide ang post na ito para ipaalala sa akin na minsan, nakita ko ang mundo sa mata ng isang "bata".

1 comment:

Anonymous said...

i sooo get this ;-) mace