FYI lang, nawalan ako ng wallet last monday sa MRT. t@!&^#@ yan,
nakakainis... pero in fairness to the mandurukot, sinara pa ulit ang bag
ko. May paggalang pa. (feeling ko, binuksan, sinara, binuksan, sinara pa nya ulit just to spite me) Paksyet sha talaga. buti na lang at hawak ko ang
aking precious phone. Masaya kasi ako nun eh. Feeling ko, yung tibong
babaeng maraming pimples at may dalang malaking bag na itim. Huwaaaa,
hinusgahan ko na sha. inggit lang sha kasi hindi sha masaya, belat.
At ang masama jan, nasa Girls train na ako. hindi na talaga
mapagkakatiwalaan ang mga tao ngayon. actually, ok lang naman dahil wala
talaga akong pera. sa katunayan nga nyan, nagbaon pa ako nung araw na
yun dahil gusto ko magtipid. Siguro, sa sobrang kakaisip ko na huwag
makalimutan ang baunan ko (remember the unwashed baunan na may remnants
of Pork binagoongan na naiwan ko sa uber sosyal na Coffee Bean
Greenbelt?), na distract ako at di ko namalayang ginagawan na pala ako
ng kasamaan. Ang saklap talaga... gutom na gutom pa man din ako nun,
pero tinikis ko. ang pantyhose ko ay puro run na, pero hindi ako bumili
ng bago dahil nagtitipid ako. tapos, tapos, nanakawan rin lang pala
ako! kung alam ko lang, nag Saisaki na sana kami ng aking Pumpkin.
Actually, hindi naman talaga malaking halaga ang nakuha sa akin. dapat
150 lang, eh nagbayad yung isa kong officemate ng 200... tapos, may 1
dollar pa ako dun (for goodluck at para hindi daw ako maubusan ng
pera... tama, hindi nga ako nawalan ng pera, nawala naman yung buong
wallet ko). kaya yung bruhang magnanakaw, sinusunog na ang kaluluwa nya
sa impyerno para sa halagang 400 pesos at sandamakmak na pictures ko.
Kala nya siguro mayaman ako dahil sa pearl earrings ko.. haller,
nakatsinelas na nga lang ako nung umuwi!!! ganun ba ka- burgis ang
itsura ko?
ang pinakamasakit nyan, nakulimbat pa ang UP ID ko na kahit bura-bura na
ang mukha ko at pwede mo nang mapagkamalan na kahit na sino, ay
mananatili pa ring my precious. (actually, pwede nyang gamitin ang ID kong yun as identification dahil sa sobrang kalabuan, pwede ka nang mag fill-in-the face) At naisip ko na ang hassle ng pagkuha ng bagong SSS ID, at ATM... in one year, naka 2 ATM cards na ako na nawawala (remember, kinain ang atm card ko during my first ever attempt to withdraw).
At shempre, labas ang lola mo para ireport ang insidenteng ito. Buti na
lang at composed ako kahit gigil na gigil na ako.
Nung tinanong ako kung ano ano yung nawala, sabi ko, P400-450 pesos.Sabi nung pulis gawin nang 500 para mas malaki (bakit,hindi ba nila ako aasikasuhin kung less than 500 ang laman ng wallet ko?) Tinanong ako kung ano yung tatak ng wallet ko, sabi ko Billabong, yun nga lang, wala nang tatak, nabura na... defensive pa ang lola mo, sabi ko, original yun.. (pinalagay ko sa police report. hehehe)
Paksyet talaga.. mabuti na lang at may kapayapaan na ako ng loob dahil
sa pag-ibig. Charot!
No comments:
Post a Comment