Thursday, June 15, 2006

Between Brownout & the Venti Coffee

Paksyet, anong petsa na at gising pa rin ako?

In another three hours, papasok na naman akong muli sa opisina. Isa na naman akong alipin ng corporate monotony. Okay na sana eh, wala lang akong boy toy na laging magpapasaya sa aking black and white na mundo.

Bakit kaya nagaalburuto ang tiyan ko? Dahil kaya ito sa Venti Caramel Frap na nilaklak ko? Ah ewan, masakit ang tiyan ko at hindi ako makatulog.

Ano kaya kung antayin ko na lang na mag 5:30 at maliligo na ako? Wala nang tulog tulog! Hayaan nyo na lang akong maglupasay mamya habang nagra route ako ng dokumento. Di na baleng mukha akong nalugi sa sugal kinabukasan. Sana ganun ganun lang yun... ngunit hindi.

Isang araw na hindi ako makapasok ay isang araw na hindi ako makakasilay. saan? Kanino? Wala lang, echos lang.

****

Yes, finally, my hair is near the completion of its awkward stage. Hindi na mukhang nirerepel ako ng sarili kong buhok sa tindi ng fly away na multi- layer. In a matter of weeks, mapu pull off ko ulit ang "I am a wanton woman who just got out of bed, care nyo?" look. Ngunit subalit datapwa, narerealize ko rin na mahaba- habang explanation din ang kelangan kong ioffer kung bakit nagmumukhang troll na naman ang buhok ko. To make things easier, itatali ko na lang sha.

****

Grabe na ito. Alam nyo ba na usong uso na ang Scandinavian looking people ngayon? yung pula ang buhok? True, dalawang officemates ko ang nagpapula ng buhok. Nakakaaliw. Buti na lang at bagay sa kanila dahil sila ay mga mapuputi. Kung ako siguro yun, mukha akong human pimple/ pasa.

****

Kelangan ko na talagang matulog.

No comments: