Saturday, October 15, 2005

Tapos na ang Paghuhukom

hahaha.

tapos na ang revalida ko. Malapit na akong maregular sa trabaho. yedey! yedey!

Shempre, ano ba ang isang mahalagang pangyayari kung wala ang mga "what are the chances?" na kaganapan?

(1) kailangan talaga na matintahan ng signpen ko ang putim-puti kong long sleeves before presentation, ano?
(2) kailangan talaga na 20 minutes akong pumepetiks habang nag iintay ng 4 kung kelan ako magpepresent tapos nung time na eh biglang nalaman ko na hindi ko pala na save yung presentation sa thumb drive dahil kelangan pa pala shang i convert. at kelangan talaga na pag isesave ko na sha sa laptop eh biglang maghahang yung laptop at kung kelan nagmamadali na ako sa pagsesave eh biglang may tatawag sa akin na hindi naman talaga para sa akin at mangungulit? at shempre, dapat ang kliyente na ito ay magtatanong ng rates ng 4 nyang anak, tapos yung sa kanya tapos kung kelan nabanggit ko na, saka nya sa akin papacompute-in? at hindi pa dyan nagtatapos ang lahat, kelangan talaga na kung kelan ako nagmamadaling ibaba yung phone, saka ako hihiritan ng kliyente ng " ano pa ba ang itatanong ko? (long pause) sandali lang ha?"
(3) kelangan magmukha talaga akong inutil sa harap ng mga supervisors before presentation dahil hindi ko maisaayos ang lcd projector. after 20 minutes, ang a million buckets of sweat later, i gave up and ask for the assistant Manager's help. turned out, hindi ko pala nasasaksak yung cable ng lcd projector sa laptop. Tanga.
(4) kelangan talaga na nagbabadyang tumulo ang aking sipon every 5 minutes sa harap ng mga bossings.

buhay nga naman.

No comments: