Saturday, October 01, 2005

Kwentong Narcoleptic.

wala ako sa mood mag english ngayon.

kauuwi ko lang sa bahay galing sa pagga-gallivanting (how 70's) ko sa makati. Shempre, isang huling katoxic-an sa opisina bago umuwi.. ang ending, mga 630 na ako nakaalis ng offfce. Peste... ang rule ko pa naman ay bawal ma Stress/ Toxic tuwing friday.. bakit? kasi, weekend na, tapos, sweldo pa... and finally, kasi base nga sa current favorite song ko, FRIDAY IM IN LOVE. totoo yan. mahal ko na sha yung nga lang, talagang Hollowman ang dating ko sa kanya.

kakatawa.

may 2 taong nagsabing ang "lusog" ko ngayon. Yung isa, malinis ang intenyon. Not malice, ika nga ni Gorj. yung isa naman, nakita lang ang aking 'twin ambassador of lust' (an allusion to The OC), nasabihan na akong malusog. pano ba naman, nagpapaka high class fashionista ako sa office. Yung pink, wrinkled, polka dot baby top ( yung isa lang yung buttons sa taas tapos open yung baba) ko ay hindi na wrinkled dahil pinaghirapan ni Ate yen na plantsahin. Nasira ang style. actually, in an attempt to solve the fashion emergency, 2 linggo ko na shang tinatry i-crumple. tinatali ko ung baba nya to get the gusot effect but to no avail... ayun.

So what i did was to tie it a la "grease effect" and to put the ends inside the shirt... so in effect, para na shang bolero therefore, emphasizing my overrated breasts.

i finally got my company ID after 5 months of working. pero wala pa rin yung proximity card ko so my very nice officemate informed the HR. pinapunta tuloy ako sa HR..shempre, pag pasok ko, napa "ganda!" yung isang HR officer na guy.. at tinukso po ako sa kanya. good luck.

after i left the HR dept, i checked my email and voila! he emailed me.

Subject: no kidding

message: "pretty mo nga.. no joke. "

o-k. Not interested.

Namulubi na naman po ako.. pano ba naman, we (ms. gelli, andoy, lean ) ate at Mann hann sa glorietta.. isang linggong asin na naman ang kakainin ko...

kasabay ko si gorj pauwi. we took the last MRt ride going north and what the hey! binagyo po kaming dalawa. wala kaming masakyan na taxi. we took the bus to munoz and rode a cab to take me home.

Come morning, nalaman ko na nahulog ko pala ang wallet ko sa labas. buti na lang at walang nagtangka.

Inaantok na ako.

No comments: