Monday, August 21, 2006

The Shoe Analogies Part 2

(cont.)

Karylle:AB, naalala mo ba yung tinext mo sa amin about "fitting the shoe?" bakit hindi mo gawin? try to fit the 'shoe', you wouldnt know if its perfect for you unless you try it.

AB: Ayokong itry dahil kapag nagustuhan ko, madedepress lang ako dahil hindi kasya sa akin.

Karyll: duh?!! di mo pa nga natatry eh... pano mo alam na di kasya?

AB: size 7 lang ako, 9 lang ang available. dont you understand? I will always fall short! Kahit na anong gawin ko, the shoe and i could never fit. (sighs)

LMF: wala namang masama kung isukat mo eh... tsaka wait, mashado mo naman atang nilalagay sa pedestal ang sapatos na yan. tsaka nagtanong ka na ba kung may size?

AB: Walang size! last pair na yun. "shoes" like those are hard to find... most of them are taken na. Last pair standing na lang yun. Kaya, para san pa ang pagsusukat ko? i'll never be able to buy it din naman...

Karyll: malay mo naman AB, if you try it, magustuhan mo sha kahit na malaki pa sa yo.

AB: Size is not comparable to the color or the physical aspect of the shoes. Kahit pa siguro apple green yung sapatos, magugustuhan ko pa rin sha kung yun talaga ang hinahanap kong sapatos. Kaso lang, sukat na ang pinaguusapan dito eh. Kahit pa sukatin ko sha, bilhin, suotin, I will always feel uncomfortable wearing it. Hindi swak eh.. hindi swak.

Karyll: Yun nga ang tinatawag na sacrifice, AB. Kahit masakit sa paa, kahit lagi mong naiiwan ang sapatos na yun, gugustuhin mo pa rin sha.

AB: di pa rin eh... what would that make me? yung premise na nga lang ng pagsusukat ng sapatos na hindi kasya sa yo, yun palang mali na... yung gagastos ka pa talaga para makuha yung sapatos na yun, mas lalo naman mali yun. If its not right for me now, then nothing will ever happen to make it right for me tomorrow.

LMF: Eh pano kung sa sa araw araw na pagpunta mo dun sa shoe shop, sa araw araw na pagsusukat ng sapatos, napansin ka ng store owner at gumawa sha ng paraan para makuha mo yung sapatos na gustong gusto mo???

AB: ayuuun,so if all else fails, divine intervention na ito. In short, wala na talaga akong gagawin... kung para sa akin ang sapatos, gagawa at gagawa ang store owner ng paraan para magkasya sa akin ang sapatos.. yun naman pala eh.

LMF: Hep hep, hindi malalaman ng Store owner ang masidhi mong pagkagusto na makuha ang sapatos na yun kung hindi mo isusukat di ba? So therefore, kelangan, you must give yourself a chance to admire and to fit the shoe. Hindi yung una pa lang, aayawan mo na..

FHM Babe: Tama, tama.

*** and the clock hit one pm, ending our conversation about the shoe. But that does not end there as Karyll tried to apply the shoe analogy to our other friends.

(to be continued)

No comments: