Thursday, September 22, 2011

Ang Stigma ng Pagiging Single

Bakit ba palaging may negative connotation ang pagiging single? Isang araw, gusto kong magpa survey upang malaman. Sa dinami-raming issues sa mundo, tulad ng world peace, global warming, end of the world at RH bill, palagi na lang tampulan ng usapan ang pagiging single. Sige na nga, minsan, masarap pag usapan ang ibang bagay tulad ng politics, nagparetoke ba talaga si Kim Chiu, karapat dapat ba si Ms. Angola bilang Ms. Universe at kung ano ano pa. Pero at the end of the day, palagi na lang bumabalik sa usapang pag-ibig.

Hay nako.

Eh ano kung mas marami na ang ratio ng babae kesa sa lalaki? Pwede namang maging lesbyana.

Eh ano kung dumarami ang mga becky at paminta? Kung si Ogie Diaz nga at Tita Swarding, may anak, yung iba pa kayang cute naman pero confeeermed lang?

Eh ano kung habang tumatanda kaming mga babae ay nababawasan unti unti ang mga prospects? Kaya nga naimbento ang konsepto ng pagiging cougar.

Eh ano kung may hinahabol kaming biological clock? Ano ang ginagawa ng siyensya or bahay ampunan.

EH ANO KUNG SINGLE AKO?

Hindi naman porke single, di na pwedeng maging masaya. At wala rin namang assurance na pag may karelasyon ka, maligaya ka na. Di naman palaging tama ang katagang “the more, the merrier.” Minsan, ang totoong tama lang ay “the more, the many-er.”

(eh sinong mag-isa ngayon?)

Kamote.

No comments: