Sunday, December 25, 2005

My Christmas Wish is my Dreamboy.

Current Music: I touch Myself

Yedey! Christmas na ulit? Ang bilis. Parang last year lang, nagtethesis pa kami ni Manong Gorj. Ngayon, pareho na kaming part of the labor force.

Ayun na. Nakaraos din ang Pasko. at kamustahin naman natin ang laman ng ATM ko? isang tumataginting na 500 pesosesoses. oo. Dapat talaga sumama na ako sa mga nag-door to door upang manghingi ng aguinaldo.

nung friday, petiks ako. or better yet, wala ako sa mood magtrabaho. hello?!? gimme a break naman noh. its two days before Christmas, we shouldnt be stressing ourselves, right? right?

buti na lang, nakiayon sa amin ang MIS at mukhang down ang system namin. Hindi ako nakakareceive ng email from clients. Yun eh. Yahoo.

Come 3 pm, petiks kung petiks kami. Pumunta na lang ako sa batcave upang puntahan ang mga bat girls( The Girls of Banking). At shempre, hanggang pwedeng magrebelde at magkonsumo ng office hours, gagawin namin. Nilagyan ako ni Jen aka FHM Babe ng nail polish.

At ayun, 3:30, pinauwi na rin kami. Hihi.

After kong hakutin ang sangkaterbang gifts from my marketing friends (thanks Guys!), at namigay ng Marma's famous cookies, umuwi na kami ni Kuya.


Ay hindi pala. We decided to go to rockwell to shop. Actually, si kuya lang dahil as you all know, isa na akong purita laloo.

And guess who i saw at Rockwell? hindi ang lady thief o si Jaime Zobel de Ayala ( i saw him once, though, and resisted the urge to make 'mano' and pretend i was his long lost child). i saw...

PAPA PIOLO!!!

i love him! he is a god. uber gorgeous!!! at shempre, hindi ko talaga napigilan ang sarili ko. nagtago ako sa likod ng mga damit at nag attempt na picture-an sya. but not before i stared at him long and hard when he was just a few feet away from me sa Springfield ito. MAy kasama shang older lady at nakaakbay sha. Zinoooo yun?

At hindi ko po napigilan ang urge na tawagan si Gelli at magtitili. At shempre,what are the chances na habang nagra-rave ako at naga I love you Piolo ako ay nasa likod ko lang pala shang naglalakad. Ang tanging konsolasyon ko ay hindi nya ako kilala.

Pwede na akong mamatay.

No comments: