Friday, July 02, 2004

mamang masungit

hoy mamang masungit, pa kiss naman diyan!
aba, isang taon na akong nagpapaliit ng tiyan.
kailan mo ba papansinin ang kulay asul kong mga mata
at ang kulay mais kong buhok na aking pinasadya?
lahat na ata ng paraan upang makuha ang iyong atensyon
nagdasal, tumakbo sa oblation, nagpabutas ng ilong
hmmph, lagi na lang wa-epek sayo ang mga bagay na ito
siguro ay miyembro ka ng konferasyon, ano?
pero kahit pa di mo pansinin ang aking kagandahan
at patulan ang aking mga kahibangan
gusto ko lang sabihin na mahal talaga kita
kaya para sa iyo mamang masungit,itong aking tula...

No comments: