Friday, July 02, 2004

MArtIR

sa likod ng maskara, ako ay lumuluha
tumatangis sa pagtatapos ng pag ibig
na kailanman ay di talaga nagsimula.

hatinggabi
ngunit di dalawin ng antok
kinakabog ang dibdib
sa di maipaliwanag na damdamin
bakit kaya nakakulong pa rin
ako sa alaala ng iyong tinig?
habang ikaw naman ay masaya
sa kung kaninong bisig?

sigurado ka na bang siya na talaga?
o baka naman magbago pa
ang isip mong kung minsa'y kay labo
na talagang di ko makasundo
may pag asa pa ba?
o sadyang wala na...
sabihin mo lang pagkat akoy naghihintay..

matulog na lang kaya ako?
baka sakaling sa panaginip makatagpo
ng lalaking iibigin at di na maduduling
sa kakatingin sa landas na yong tatahakin
sadya yatang bulag ang pagibig
pagkat kahit mali'y hahamakin
and sakit na nadarama,
para lamang sa iyong ikaliligaya.

No comments: