sa ilalim ng mga bughaw na ulap
ako ay naghihintay
sa iyong pagbabalik na maaring
kailanman ay hindi maganap.
kay lalim na ng gabi
kay lamig na ng hangin
ngunit andito pa rin ako,
sa ilalim ng mga bughaw na ulap.
hihintayin ko ang bukang liwayway
baka sakaling bukas,
makita kong muli ang iyong mukha na minsan
ay nagpabilis ng tibok ng aking puso
baka sakaling bukas,
mahawakan ko ang iyong kamay
banayad at mapagkalinga
baka bukas sa bukang liwayway...
kailan pa ba ako maghihintay?
umaasa pa rin ako na ikaw ay darating
na ikaw ay babalik sa aking mga bisig
at tutuparin ang naiwang pangako
isang kahangalan, isang pagsuko
may pag-asa pa bang natitira?
dahil kahit gaano kita kamahal
nakakapagod din pala ang maghintay...
No comments:
Post a Comment